^

Police Metro

COVID sa Pilipinas: 2,633 positibo, 107 nasawi

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa higit 100 ang mga nasawi dahil sa pagkakahawa sa coronavirus disease (COVID-19) habang tumaas sa 2,633 ang bilang ng mga positibong kaso nito sa buong bansa, ayon sa update ng Department of Health (DOH) kahapon.

Sa update ng DOH, dakong alas-4:00 ng hapon, nasa 322 ang nadagdag na positibong kaso kaya umakyat ang kabuuang bilang sa 2,633.  May 1,275 naman na Person Under Investigation (PUIs) ang nagnegatibo sa pagsusuri.

Umabot sa 11 pasyente ang nalagutan ng hininga dahil sa sakit dahilan para umakyat ang bilang sa 107.  Samantala, isa lang ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa sakit para umakyat ang datos sa 51.  
Bukod sa palagiang panawagan sa physical distancing at kalinisan, nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa mga naninigarilyo at gumagamit ng vape o e-cigarette na tumigil na dahil sa mas mataas ang porsyento na mahawa sila ng virus.

Bagama’t wala pa umanong pag-aaral na magbeberepika nito, sinabi ng kalihim na isang kaalaman naman na humihina ang baga ng mga naninigarilyo kaya sakaling mahawa sila ng COVID-19 ay mas mahirap ang kanilang magiging sitwasyon na makarekober dahil sa hina ng baga.

Related video:

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with