DOH magbubukas ng pasilidad
Para sa mga asymptomatic at mild symptoms
MANILA, Philippines — Ilang gusali ng pamahalaan at iba pang establisyimento ang nakatakdang buksan ng Department of Health para pansamantalang gawing ‘quarantine facilities’ ng mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) na ‘asympto-matic’ at may mga ‘mild symptoms’ lamang.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nakatakdang buksan na ang Quezon Institute sa Quezon City. Ang pasilidad ay pinatatakbo ng Philippine Tuberculosis Society, Inc. (PTSI) na nagpahayag naman ng pagtitiyak sa mga pas-yente na may TB na hindi sila mapapabayaan.
Bukod dito, maging mga sporting venues ay plano na ring gawing ‘quarantine facilities’ tulad ng Rizal Memorial Complex sa Malate, Maynila na kayang magkasya ang 600 higaan at ang PhilSports Arena sa Pasig City.
Plano ring gawing ‘quarantine facility’ ang Philippine Internatio-nal Convention Center (PICC), ang Cultural Center of the Philippines na kaya ring maglaman ng 700 higaan at ang World Trade Center na kaya naman ang 650 higaan.
- Latest