^

Police Metro

COVID-19 sa Pinas: 2,311 positibo, 96 nasawi

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalo pang tumaas ang bilang ng mga nahawa ng coronavirus disease (COVID-19) makaraang makapagtala ng 2,311 cases habang nasa 96 na ang mga nasawi base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng hapon. Sa Case Bulletin No. 18, nadagdagan ng mga positibong kaso ng COVID-19 ng 227. Binigyan sila ng mga patient numbers na PH2085 hanggang PH2311.

Walo naman na senior citizens ang naidagdag sa mga nasawi sa sakit para tumaas ang bilang sa 96.  

Isa lamang ang naitala na gumaling sa sakit kaya nasa 50 na ang bilang ng mga nakarekober.  Ang bagong gumaling ay si PH179 na isang 59-anyos na Filipino mula sa Taguig City at na­pa­labas ng pagamutan nitong Marso 29 ma­tapos ang dalawang negatibong test results.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with