^

Police Metro

Quezon City drug bust: Pusher huli sa P14 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang drug suspect ang naaresto ng mga pulis sa isang buy-bust operation at nasa mahigit P14 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska, kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Regine Legaspi, 31,  residente ng 8 Sampaguita St., Navotas City.

Sa ulat, dakong alas-10:56 ng gabi nang maaresto ng mga pulis ang  suspek sa Room 46 ng Starcia Apartelle, na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches.

Bago ito ay unang naaresto noong Marso 28 sina Ronnel Grifalda, 35, ng Caloocan City, at nakumpiskahan ng mahigit P2 milyong halaga ng shabu sa loob din ng Starcia Apartelle at ikinanta nito si Legaspi kaya’t nagsagawa ng  isa pang buy-bust ­operation at isang poseur buyer ang nagkunwaring bibili ng P130,000 halaga ng shabu at nagkasundo na magkikita sa naturang apartelle.

Nang maisagawa ang transaksiyon, kaagad inaresto ang suspek na nagresulta sa pagkakum­piska ng mahigit dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14,280,000.

Narekober din ang P130,000 boodle money na may isang genuine na P1,000 marked money, digital weighing scale, cell phone na ginamit sa drug transaction at drug paraphernalia.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with