^

Police Metro

Bumagsak na eroplano sa NAIA, katuwang ng DOH sa paghahatid ng medical supplies

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na ang bumagsak at sumabog na eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ikinasawi ng walong sakay nito kama­kalawa ay kanilang katuwang sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Sa statement ng DOH, sinabi nito na matagal na naging katuwang ng kagawaran ang Lionair Inc. na nagmamay-ari ng eroplanong bumagsak sa pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa DOH, naging instrumento ang Lionair sa paghahatid ng medical supplies sa mga ospital sa naturang mga rehiyon.

Sinabi pa ng DOH na sa katunayan, bago ang nangyaring aksidente, nakapaghatid pa ang piloto at crew members nito ng health commodities at mga supply sa Zamboanga, Mactan, Iloilo, at Butuan.

Kabilang sa mga nasawi sa naaksidenteng West Wind 24 aircraft ng Lionair ang anim na crew ng medical evacuation mission nito patungo sanang Haneda, Japan at ang mga pasahero nitong American national at Canadian.

Sinasabing ang Lionair Inc. din ang ­operator ng bumagsak na Beechcraft King Air sa Calamba City, Laguna noong September 2019, para sa isa ring medical evacuation flight kung saan patay ang lahat ng 9 na sakay nito.

Nagpaabot na rin ng pakikidalamhati ang DOH sa mga naulila at mga ka­ibigan ng walong nasawing pasahero at crew members.

vuukle comment

DOH

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with