^

Police Metro

DA at DTI parurusahan ang market retailers na hindi susunod sa SRP

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parurusahan ang mga market retailers na mapapatunayang hindi sumusunod sa itinakdang suggested retail price (SRP) sa mga panindang agri-fishery products.

Ito ang naging babala nina Agriculture Secretary William Dar at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na kung sakaling mahuli na hindi gamit ang SRP ay agad padadalhan ng “Notice of Violation’. Sasagutin ito  sa loob ng 48 oras at kung hindi ay mapipilitang maisara ang tindahan.

Nanawagan si Dar sa mga suppliers at retailers na makipagtulungan na lamang ngayong panahon ng krisis at huwag tataasan ang presyo ng bilihin para makinabang ang lahat ng mamamayan.

Iginiit din nina Secre­tary Dar at Lopez sa mga  local chief executives at market masters sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa na buhayin ang kani-kanilang Local Price Coordination Council (LPCC) para mamonitor ang pagtupad ng mga market ­retailers sa SRP.

vuukle comment

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with