^

Police Metro

PUM naghasik ng lagim, inaresto

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga awtoridad ang isang 30-anyos na mister na isang Person Under Monitoring (PUM) sa COVID-19 infection matapos maghasik ng takot sa mamamayan dahil sa nagpagala-gala sa kanyang teritoryo sa Brgy. Centro 1, Lasam, Cagayan noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, nakahilata pa sa duyan si Pablo Bisquera, may 40 metro ang layo sa labas ng kanyang bahay nang datnan ng mga awtoridad.

Nabatid na isinuplong ng kanyang mga ka-baryo si Biquera dahil sa pagiging pasaway sa utos na sumailalim sa 14 days quarantine sa bahay nito dahil galing siya sa Maynila na kung saan ay maraming tinamaan ng virus.

Ayon sa report, umabot pa sa puntong nakiusap sa kanya ng personal ang Municipal Health Officer ng Lasam na si Dr. James Ayap subalit hindi nito pinansin.

Sa ngayon, inaalam pa ng Lasam Police kung saan dadalhin si Bisquera dahil nangangamba silang tamaan ng sakit ang kanilang mga bilanggo na sumusunod sa utos na huwag lalabas.

Nabatid sa DOH na mayroon silang 16,133 PUMs na sinusubaybayan sa buong Cagayan. 

vuukle comment

COVID-19

PUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with