^

Police Metro

International flights ng PAL suspendido hanggang Abril 14

Butch Quejada - Pang-masa
International flights ng PAL suspendido hanggang Abril 14
Gayunman, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, pagkatapos pumasok ang lahat ng international aircraft ng PAL sa NAIA Terminal 2 ay agad niyang ipalilinis at ipapa-disinfect ang buong terminal gaya ng ginawa nila sa Manila Domestic Airport nang isara rin nila ito.
PAL/Released

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng flag-carrier Philippine Airlines (PAL) ang kanilang international flight ope­rations mula ngayong araw, Marso 26 hanggang Abril 14, 2020, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong tinatamaan ng nakakahawa at nakakamatay na sakit na COVID-19.

Kaya ang domestic at international flights ng PAL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay isasara muna pansamantala.

Gayunman, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, pagkatapos pumasok ang lahat ng international aircraft ng PAL sa NAIA Terminal 2 ay agad niyang ipalilinis at ipapa-disinfect ang buong terminal gaya ng ginawa nila sa Manila Domestic Airport nang isara rin nila ito.

Sa isang advisory ng PAL, sinabi nila na hindi na nila kayang alalayan ang limitadong bilang ng mga international flights dahil maraming bansa ang nagpapatupad ng mahigpit sa paglalakbay at entry restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang inihayag ng PAL ang pagpapatigil ng lahat ng kanilang domestic flights noong Marso 17, 2020.

 Ayon sa PAL, ang  huling flight na umalis mula sa Manila ngayong linggo ay ang PR 104 na patungong San Francisco ngayong gabi. May ilang flights ang patuloy na darating sa Maynila sa Marso 26 galing Los Angeles, Tokyo Narita, at Jakarta, at noong Marso 27 mula sa New York JFK, San Francisco, at Los Angeles.

Malamang na ipagpapatuloy ng PAL ang kanilang operasyon sa Abril 15, komporme sa global public health condition at travel environment.

vuukle comment

PHILIPPINE AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with