^

Police Metro

Magsasaka inutas sa bahay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 47-anyos na magsasaka matapos pagbabarilin ng walong armadong lalaki na pinaniniwalaang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa kanilang bahay sa Zone-1, Brgy. Bahay sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Eddie Velasco Clores, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Jacquiline, dakong alas-8:50 ng gabi habang nasa loob sila ng kanilang bahay nang dumating ang mga armadong kalalakihan at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang kanyang mister.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang biktima ay posibleng nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad.

vuukle comment

NPA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with