^

Police Metro

P500 hazard pay sa government employees, inaprub ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
P500 hazard pay sa government employees, inaprub ni Duterte
Ang pagbibigay naman ng COVID-19 hazard pay sa mga empleyado ng mga local government units (LGUs) at local water district (LWD) employees ay ibabatay sa kakayahang pinansiyal ng kanilang local government at board of directors. Kung kulang ang pondo at hindi aabot sa P500, maaaring ipagkaloob ang mas mababang hazard pay pero dapat maging pantay-pantay ang pagbibigay.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bigyan ng P500 kada araw na hazard pay ang mga empleyado ng gobyerno na pisikal na magre-report sa trabaho habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ang kautusan ay nakapaloob sa Administrative Order 26 na nilagdaan ng Pangulo kahapon, Marso 23.

Magsisimula naman sa Marso 17 ang pagbabayad ng hazard pay.

Bukod sa mga emple­yadong regular ang po­sisyon, makakatanggap din ng hazard pay ang mga kontraktuwal, nagtatrabaho sa pamamagitan ng contract of service (COS) at job order (JO) sa natio­nal government agencies (NGAs), state universities and colleges (SUCs) at mga government owned or-controlled corporations (GOCCs).

Ang mga public health workers, public social workers, science and technology personnel at military at uniformed personnel ay maaaring mabigyan ng COVID-19 hazard pay kung ito ay mas mataas sa kanilang tinatanggap na hazard pay sa ilalim ng umiiral na batas.

Ang pagbibigay naman ng COVID-19 hazard pay sa mga empleyado ng mga local government units (LGUs) at local water district (LWD) employees ay ibabatay sa kakayahang pinansiyal ng kanilang local government at board of directors. Kung kulang ang pondo at hindi aabot sa P500, maaaring ipagkaloob ang mas mababang hazard pay pero dapat maging pantay-pantay ang pagbibigay. Kuwalipikado ring makatatanggap ng hazard pay ang mga empleyado ng Senado, House of Representatives, Hudikatura, Office of the Ombudsman at iba pang independent constitutional bodies.

vuukle comment

HAZARD PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with