586 pasaway sa Cavite inaresto
MANILA, Philippines — Nasa 586 katao kabilang ang mga senior citizen at kabataan ang inaresto ng pulisya sa magdamagang checkpoint operation sa ilang bayan at lungsod ng lalawigan ng Cavite.
Ito ang iniulat ni Cavite Provincial Director, Police Colonel Marlon Santos na kahit na maigting ang kanilang checkpoint at pag-iikot ay may mga matitigas pa din ang ulo at nakakalusot pa rin sa kanilang pag implement ng Provincial Ordinance on Quarantine Rules.
Ang mga naaresto ay nagmula sa mga lungsod ng Dasmariñas, Bacoor, Imus, Gen. Trias, Cavite City,Trece Martirez at mga bayan ng Naic, Amadeo at Kawit na kung saan dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Muling nananawagan naman si Col. Santos sa mga mamamayan ng Cavite na makiisa at sumunod sa mga pamantayan upang maiwasan ang tuluyang pagkalat ng virus habang patuloy pa rin ang 24 oras na checkpoint sa buong lalawigan.
- Latest