^

Police Metro

Tulong laban sa COVID-19 INC nag-donate ng P5 million sa Quezon City government

Pang-masa

MANILA, Philippines — Personal na nagtungo kamakalawa sa tanggapan ng Iglesia Ni Cristo (INC) Central Office si Quezon City Mayor Joy Belmonte para tanggapin ang P5 milyong pinansiyal na donasyon ng INC sa atas na rin ni Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo bilang tulong sa inisyatiba ng pamahalaang-lungsod na maayudahan ang mahihirap na residente sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).  

Hanggang kahapon, umabot na sa 49 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City na merong tatlong milyong populasyon at kinokonsiderang pinakamalaking lungsod sa National Capital Region.

Marso 15 nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa community quarantine bago ang enhance community quarantine sa buong Luzon mula Marso 17 hanggang Abril 14.

Bunga nito, sinuspinde ang mga pampublikong transportasyon at operasyon ng iba’t ibang establisimiyento na nangangahulugan na isang buwang mawawalan ng kita ang mga mahihirap na mamamayan.Bilang tugon, agad na nagkaloob ng pinansiyal na donasyon ang INC sa direktiba na rin ni Kapatid na Eduardo sa pamamagitan ni INC General Auditor Glicerio Santos Jr. para makatulong sa lungsod Quezon na maayudahan ang mga nangangailangan.

Bukod pa rito, nagkaloob din ang INC ng may 20,000 face masks para sa lungsod.

“Thank you! Kayo po ang nag-abot ng pinakamalaking tulong sa aming lungsod,” sagot ni Mayor Belmonte. 

“Napakalaking tulong po talaga sa amin ito, lalung-lalo na sapagkat gipit na gipit po kami sa panggastos sa pagkain, gamot, mga gamit sa precautionary measures na kakailanganin. Karamihan po ng positive patients natin ay senior citizens. Marami po tayong matutulungan na mga pamilya, and I’m very grateful. Please accept, from the bottom of my heart, my deepest gratitude to you,” dagdag pa ni Belmonte.

vuukle comment

DONATION

INC

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with