^

Police Metro

150 nurse at doktor sa The Medical City kinuwarantina

Mer Layson - Pang-masa
150 nurse at doktor sa The Medical City kinuwarantina
Sinabi ni Dr. Eugenio Ramos, hospital president at CEO, kinailangang isailalim sa quarantine ang 150 frontliners nila upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito makaraang magkaroon ng direktang pakikisalamuna sa mga pasyente ng COVID-19 na nasa kanilang ospital.
STAR/Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Isinailalim sa 14 days quarantine ang nasa 150 nurse, doctor at staff ng The Medical City Hospital makaraang ma-exposed sa mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Dr. Eugenio Ramos, hospital president at CEO, kinailangang isailalim sa quarantine ang 150 frontliners nila upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito makaraang magkaroon ng direktang pakikisalamuna sa mga pasyente ng COVID-19 na nasa kanilang ospital.

“Nakakatakot ito dahil mabilis tumaas ang bilang ng mga pasyente. “Alam mo ‘yung challenge is not like ‘yung number lang, ang exposure ng mga doctor at ang bilis ng kalat nung virus. And then, nauubos na ‘yung mga personal protective equipment namin. ‘Yung mga kuwarto nako-convert na para sa mga wards para lang sa mga COVID-19 patients,” sabi ni Ramos.

Tiniyak naman ni Dr. Ramos na wala naman silang tinatanggihan na pasyente basta dinala sa The Medical City ay kanilang ginagamot at ngayon ay nasa full capacity na sila ngayon sa Intensive Care Unit (ICU).

vuukle comment

NURSE

THE MEDICAL CITY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with