^

Police Metro

Bagong operating hours sa Malolos market ipinatupad

Omar Padilla - Pang-masa

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naglabas ng kautusan si Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian na nagtatakda ng bagong operating hours sa kanilang pamilihang lungsod.

Ang Malolos City Market ay magbubukas na ng alas-5 ng umaga hanggang alas-3 ng ha­pon. Nagsimula ito kahapon bilang pagtugon sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon upang masugpo ang COVID-19.

Ayon sa punong lungsod, itinakda ito upang masiguro na masusunod ang pagpapatupad ng curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. 

Ang Pamilihang Lungsod ng Malolos ay ang pinakamalaking palengke sa buong Bulacan na 24 oras na bukas sa karaniwang mga panahon. 

Bahagi rin ng kautusan ang pagbabawal na makapasok ang anumang uri ng sasakyan sa loob ng palengke, kaya’t pan­samantalang nilagyan ng mga barikada ang lahat ng mga lagusan na papasok at palabas. Bibigyan naman ng exemption ang mga sasakyan na magde-deliver ng mga suplay na ititinda rito partikular na ang mga pagkain.

Nagtalaga rin ng mga kawani ng pamahalaang lungsod sa mga pasukan at labasan ng palengke upang magsagawa ng thermal scanning at mag-spray ng alcohol sa bawat mamimili. Tanging ang mga tindahan at mga nagtitinda lamang ng mga pangunahing pangangailangan ang maaaring magbukas o magtinda. 

Tinukoy sa Executive Order ni Gatchalian partikular ang bigas, mais, root crops, tinapay, isdang sariwa, tuyo o delata; mga pagkaing yamang dagat, sariwang mga karne ng baboy, baka, manok, itlog, tubig, gatas, gulay at prutas, noodles, kape, asukal, mantika, asin at mga pangsangkap na maaaring ibenta sa palengke. 

vuukle comment

MARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with