^

Police Metro

Rolbak sa diesel, gasolina

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng panibagong rollback sa gasolina at diesel ang kumpanyang Phoenix kahapon ng umaga.

Sa anunsiyo ng Phoenix, nasa P2.00 kada litro ang bawas ng kanilang diesel habang P3.00 naman kada litro sa gasolina na epektibo ng alas-6:00 ng umaga kahapon.

Samantala, mayroon ding parehong halaga ng rollback sa produktong petrolyo ang kumpanyang CleanFuel na epektibo naman ngayong Linggo, Marso 22 ng alas-4:01 ng hapon.

Inaasahan naman ang ilan pang kumpanya ng langis na magbaba rin ng kahalintulad na halaga na ipinataw ng Phoenix Petroleum. Karamihan sa mga kumpanya ng langis tuwing Martes ay ipinatutupad ang oil price adjustment, subalit ngayon pa lamang ay nauna nang nagbaba ng presyo ang nasabing kumpanya.

vuukle comment

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with