^

Police Metro

Lalaki na nasa drug list, tinodas habang tulog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nagising pa sa mahimbing na pagtulog ang isang lalaki na umano ay nasa drug watchlist sa kanilang barangay nang siya ay barilin sa ulo sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi Antipolo City, Rizal.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala ay nakilalang si Julius Mendoza, nasa hustong gulang, may-asawa.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-9:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima sa kanyang bahay sa Sitio Tibagan, Barangay Mayamot, Antipolo City nang pasukin siya ng suspek at malapitang binaril sa ulo ng dalawang beses.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay nagla­lakad lamang na tumakas ang salarin.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman ang krimen sa iligal na droga matapos na matukoy mula sa mga opisyal ng barangay na ang biktima ay kabilang sa drug watchlist at ang kanyang bahay ay ginagamit umano bilang drug den.

vuukle comment

DRUG LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with