^

Police Metro

Iklian ang lamay para iwas virus

Raymond Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao sa lamayan dahil sa banta ng COVID-19 ay iniutos ni Isabela Gover­nor Rodolfo Albano III ang agad na paglibing sa mga patay mula 24 oras hanggang tatlong araw.

Sinabi ni Albano na hindi lamang public mass gathering ang paghihigpitan ng kanyang pamunuan kundi pati na rin ang pribadong pagtitipon gaya ng lamayan sa patay.

Isa sa mga potensiyal na pinagmumulan ng pagkahawa sa COVID-19 ay ang pagdadalo sa burol ng patay na malimit dinadaluhan ng mga bisitang mula ibang bansa at lugar na may kumpirmadong kaso ng virus.

Anya, dahilan ng mahabang burol ng namatayan ay ang kawalan ng pera upang maipali­bing agad ang yumao ay napipilitan magpasugal ang mga naulila upang makaipon ng “tong” na pandagdag sa gastos ng pagpapalibing.

Kaya’t magbibigay ng tulong ang provincial government sa pinansiyal o kaya ay kabaong at pagpapalibing anuman ang dahilan ng pagkakamatay ng yumao.

Ayon kay Albano, nasa diskresyon ng mga alkalde kung pahihintulutan nila ang mga burol ng patay sa kanilang teritoryo mula 24 oras hanggang tatlong araw lamang.

Ang guidelines sa maiksing burol ay  habang umiiral lamang ang Luzon “enhanced community quarantine na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with