^

Police Metro

Gobyerno tutulungan ang mawawalan ng trabaho

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 katulad ng mga emple­yado na ayaw lumabas ng bahay.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ikokonsidera ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kalagayan ng mga empleyado.

“Iko-consider ng DOLE iyon. Kasi nasa ano tayo eh, nasa hindi pangkaraniwang pagkakataon o kalakaran. Kaya dapat lahat ngayon ay maging maunawain,” ani Panelo.

Tiniyak din ni Panelo na may nakahanda ng tulong ang DOLE base sa pahayag ni Secretary Silvestre Bello III.

Mismong si Panelo ay hinihikayat ang lahat na manatili na lamang sa loob mg kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Hinikayat din ni Panelo ang mga nagpapautang katulad ng mga credit card companies na magkusa nang suspendihin ang paniningil sa kanilang mga kliyente na nasa ilalim ng community quarantine.

vuukle comment

COVID-19

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with