^

Police Metro

Moratorium sa penalty sa mga utang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela si Sen. Grace Poe sa mga korporasyon at iba pang pampubliko at pribadong financial na magpatupad ng moratorium sa penalty sa mga huling magbabayad sa kanilang mga utang o obligasyon sa gitna nang kinakaharap na public health crisis na dala ng COVID-19.

Ayon kay Poe, da­pat na magkaroon ng ma­lasakit at mabuting kalooban ang mga kumpanya sa kanilang mga kliyente at siguruhin na walang service interruption, disconnections o penalties sa mga delay payment.

Nais naman umano ng lahat na makapagbayad ng utang, subalit dahil sa hindi inaasahang pandemic na lubhang naapektuhan ang mga financial condition ng publiko lalo na ng mga manggagawa na “no work no pay”.

Habang ang mga gusto namang magbayad ang mga nasa isip nila ay ang mahabang pila sa mga banko at bayad centers  na humahabol bago ang pagsasara nito.

Subalit, pinapaiwas naman ang publiko ng gobyerno sa maraming tao o ang social distancing kaya hanggang maaari ay nasa bahay lang ang mga tao para hindi magkaroon ng exposure sa nasabing virus.

vuukle comment

COVID-19

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with