^

Police Metro

Ama kulong sa panggagahasa sa anak

Rhoderick Beñez - Pang-masa

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado at nakulong ang isang ama matapos umanong paulit-ulit nitong gahasain ang katorse anyos niyang anak sa loob ng tatlong buwan sa Pig­cawayan, North Cotabato, iniulat kahapon.

Sadyang hindi pina­ngalanan ang suspek para sa kapakanan ng katorse anyos nitong anak na taga-Barangay Balogo, Pigcawayan, North Cotabato.

Sa report ng Pigca­wayan PNP, nadakip ang suspek matapos umanong magsumbong sa kanyang kaibigan ang biktima at saka ipinagbigay-alam ng mga ito sa Municipal Social Welfare and Development o MSWD.

Sa resulta ng mediko ligal, nakumpirmang ginahasa ang biktima kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya para madakip ang suspek.

Sa imbestigasyon ng Pigcawayan PNP, luma­labas na walong beses umanong ginahasa ng suspek ang biktima si­mula pa noong Enero.

Nasa Maynila umano ang ina ng biktima na isang overseas Filipino worker kaya tanging ang ama lamang nito ang nakakasama sa bahay. Nakakulong na ngayon ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

GAHASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with