^

Police Metro

Mag-ingat sa pagbili ng medical products online

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni Trade Secretary Ramon Lopez ang publiko sa pagbili ng mga medical products online na walang seal mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ginawa ni Lopez ang pahayag dahil nagkakaroon ng panic buying sa mga produkto lalo na sa alcohol at face mask na sinasamantala naman ng mga online sellers.

Tiniyak ni Lopez na ipahahanap niya ang mga nagbebenta online lalo na ng mga medical supplies dahil ilegal ang ginagawa ng mga ito.

Sinabi ni Lopez na tanging mga drugstore lamang ang dapat magbenta ng mga medical products.

Nagbabala pa si Lopez sa publiko na posibleng peke o tampered ang kanilang nabibiling produkto.

Umapela rin si Lopez sa publiko na huwag tangkilikin ang mga online sellers na dapat na aniyang tumigil sa kanilang ilegal na gawain.

Ipinag-utos na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Nationa Police at National Bureau of Investigation na tumulong sa paghahanap ng mga hoarders ng produkto.

vuukle comment

RAMON LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with