^

Police Metro

State of calamity idineklara sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng COVID-19 ay idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lungsod sa state of calamity na kung saan ay nasa lima na ang positibo sa virus.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor  Belmonte nang ilagay ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa ilalim ng  community quarantine.

Ang pagdedeklara anya ng state of calamity ay batay sa ginawang pagpasa ng QC Council sa rekomendasyon ng QC Disaster Risk Reduction Council na maideklara ito dahil sa COVID-19.

Dahil sa deklarasyon, ang gobyerno ay magagamit ng mabilisan ang pondo ng lokal na pamahalaan para dito.

Binigyang diin ni Belmonte na mahalaga ang deklarasyon upang higit na magtulungan ang lokal na pamahalaan at ang may 142 barangay sa pagtugon sa anumang hakbang at pag-iwas sa virus tulad ng disinfection ng barangays, monitoring ng mga  persons under monito­ring (PUMs) at persons under investigation (PUIs), at paglalagay ng isolation rooms at iba pa.

vuukle comment

COVID-19

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with