^

Police Metro

Palayan City nagbigay ng Nihonggo scholar

Pang-masa

200 trabaho naghihintay sa Japan...

MANILA, Philippines — May inisyal na 200 scholarship grants para nga­yong taon ang available sa Rizal Memorial College (RMC) Nihonggo Language Center ang nakatakdang magtrabaho sa bansang Japan.

Ito ang inianunsiyo ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas at hinikayat ang mga residente ng Nueva Ecija na nagnanais kumita ng malaki sa Japan para sa trabahong caregiving ay mag-aplay lamang sa kanyang tanggapan sa Palayan City para sa mga naturang grants.

Anya, ang caregivers ang isa sa mga ‘most in demand’ na trabaho ngayon sa Japan na may mala­king suweldo kaya naisipan nito ang pagbibigay ng Nihonggo scholar.

Sinabi pa ng alkalde, noong Pebrero 28, apat na scholars ng kaniyang Nihonggo Language Training ang nagtungo na sa Japan para magtrabaho at ngayong Marso ay panibagong 10 scholars ang nakatakda na ring magtungo doon.

Nagkaloob ang alkalde ng scholarship sa may 150 Palayanos at Novo Ecijanos para sa libreng Nihonggo training at JLPT fees. 

Ang Nihonggo scholarship program ay magsisimula muli ngayong Marso sa Rizal Memorial College Language Center sa Palayan City Business Hub (PCBHL).

Idinagdag pa ng alkalde na ang mga interesadong aplikante ay maaari ring magsumite ng resumes sa Olga Manuel sa PCBH.

vuukle comment

SCHOLARSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with