^

Police Metro

Karnaper ng motor, patay sa shootout

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa sa dalawang magnanakaw ng motorsiklo ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga pulis, naganap kahapon ng mada­ling araw sa Caloocan City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawan na nakasuot ng navy blue jacket at puting cap habang nakatakas ang hindi rin nakilalang kasama nito.

Ayon kay Caloocan deputy police chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, bago ang barilan, sakay ng isang Yamaha Mio ang 17-anyos na si alyas “Teofando” at ang kaibigan nitong si John Romy Torrado, 23, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang harangin ng mga suspek sa kanto ng Nadurata St. at 7th Avenue.

Upang hindi makasigaw at makahingi ng tulong ay tinutukan sa nguso ng baril ng mga suspek sina Teofando at Torrado bago sapilitang kinuha ang mga gamit ng dalawa at tinangay din ang kanilang motorsiklo saka tumakas patungong Barangay 12.

Humingi ng tulong sa mga pulis sina Torrado at Teofando kaya’t nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Branch (SIB) sa pangunguna ni P/Maj. Raymond Nicolas at dakong alas-2:35  ng mada­ling araw nang maispatan ang mga suspek sa Block 39, Sabalo Street.

Nang matunugan ng mga suspek na may mga parak sa paligid ay binu­not ng mga ito ang kani-kanilang mga kargada at sunud-sunod na pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng mga putok ang mga pulis kung saan isa sa dalawang suspek ang tinamaan na naging sanhi ng kamatayan nito.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with