^

Police Metro

14 bayan sa Isabela apektado ng ASF

Victor Martin - Pang-masa
14 bayan sa Isabela apektado ng ASF
Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veteri­narian ng lalawigan pina­kahuling naapektuhan ang mga hog raisers mula sa Barangay Mambabanga sa bayan ng Luna at Barangay Ramos West sa bayan ng San Isidro.
AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 34 barangay mula sa 14 na ba­yan sa lalawigan ng Isabela ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veteri­narian ng lalawigan pina­kahuling naapektuhan ang mga hog raisers mula sa Barangay Mambabanga sa bayan ng Luna at Barangay Ramos West sa bayan ng San Isidro.

Ang iba pang mga ba­yan na unang naapektuhan ng ASF ay kinabibilanvan ng Quezon, Quirino, Mallig, Jones, Aurora, Roxas, San Manuael, Gamu, Cordon, Mercedes, Echague at San Pablo. 

Matapos pumutok ang kaso ng ASF sa lalawigan ay umabot na rin sa kabuuan na 1,611 ang mga baboy na isinailalim sa culling ng mga awtoridad.

Pinayuhan din ang mga hog raisers sa mga nabanggit na bayan na huwag munang mag alaga ng baboy hanggat hindi nai­dedeklarang ASF free ang nasabing mga barangay.

Mahigpit pa rin ang ipinapatupad na lock down sa bayan ng Ba­yombong sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Solana sa lalawigan naman ng Cagayan para hindi na kumalat ang ASF sa iba pang mga bayan sa mga nasabing lalawigan.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with