^

Police Metro

Counterflow shootout: Rider utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang motorcycle rider nang ito umano ay manlaban matapos sitahin ng mga pulis dahil sa ginawang pagka-counterflow sa Batasan Hills, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng ID na nakuha sa katawan nito na si Ibrahim Asula, nasa hustong gulang ng No.7 Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat, alas-10:25 ng gabi nang sitahin ng mga tauhan ng Batasan Police si Asula dahil sa pag-counterflow nito sa Kalayaan Extension.

Nang kapkapan ay nakuhanan ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu kaya’t nagtangka itong tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Pero sa halip na huminto at sumuko ay pinaputukan umano ang mga pulis kaya nagkaroon ng running gun battle at nasawi ito.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 45 baril at isang magazine na loaded ng bala.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with