^

Police Metro

2 karnaper dedo sa shootout

Cristina Timbang - Pang-masa
2 karnaper dedo sa shootout
Bago ang shootout ay tinangay ng dalawang suspek ang Yamaha Mio Soul 125 na kulay asul at itim sa biktimang si Kimberly Antoc, 21, estudyante at residente ng Brgy. Salitran.
File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na tuma­ngay ng motorsiklo matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanila, naganap kamakalawa ng gabi sa Molino-Pali­paran Road, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Inilarawan ang dalawang suspek na pawang naka-short at naka-t shirt na armado ng maiikling baril.

Bago ang shootout ay tinangay ng dalawang suspek ang Yamaha Mio Soul 125  na kulay asul at itim sa biktimang si Kimberly Antoc, 21, estudyante at residente ng Brgy. Salitran.

Ayon kay Antoc, papauwi na siya galing sa pagbili ng pagkain nang buntutan ng dalawang suspek na sakay ng 1 motor na naka-helmet.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas ay dinikitan siya ng mga suspek at puwersahang inaagaw ang kanyang motor sabay tutok ng  baril.

Tumakas ang mga suspek tangay ang motor ng biktima na humingi ng tulong sa mga pulis na nagsagawa ng checkpoint na kung saan namataan ang mga ito sa nasabing lugar na inaayos ang isang motor na dala nila.

Nang sitahin ay agad bumunot ang mga ito ng baril  at pinagbabaril ang mga pulis na masuwerteng walang tinamaan.

Kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with