Poultry meat atbp. mula Germany at Saudi Arabia bawal sa Pinas
MANILA, Philippines — Dahil sa naganap na outbreak ng H5N8-Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa Berlin Germany at Riyadh Saudi Arabia ay naglabas ng kautusan ang Department of Agriculture (DA) na nagbabawal muna na maipasok sa Pilipinas ang domestic/wild birds at kanilang produkto kasama na ang poultry meat, day old chick, itlog at semen.
Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, at pinahinto rin ang proseso ng mga aplikasyon at issuance ng Sanitary and Phytosanity Import Clearance sa naturang mga bansa dahil sa nasabing sakit sa mga hayop.
Inutos din ni Dar sa mga tauhan na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng entry points ng bansa para maiwasang may magpuslit ng naturang mga produkto papasok ng Pilipinas.
Ang hakbang ay upang mapangalagaan ang poultry industry sa Pilipinas at hindi makapasok ang naturang virus sa mga hayupan sa bansa laluna sa mga manukan.
- Latest