^

Police Metro

Nangotong sa 2 negosyante, todas sa shootout

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 46-anyos na si Stanley Bernisca Veloso, miyembro ng criminal gang matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang entrapment operation nang ireklamo ng dalawang negos­yante nang pangingikil sa Sitio Indang, Brgy. Tapayas, Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout,alas-3:00 ng hapon ay inilatag ng mga tauhan ng Camarines Sur Police Mobile Force Company at Balatan Police ang entrapment operation laban kay Veloso na nagpapakilalang kasapi ng Bragais Criminal Gang makaraang ireklamo nang pangingikil ng tig-50 libong piso at humihingi pa ng baril sa mga negosyanteng sina Ruben Brasos at Gigie Cuarto-Bermido, kapwa residente ng Brgy.Duran.

Dahil sa takot ay pumayag ang dalawang negos­yante at napagkasunduan na ilalagay ng mga biktima ang pera at baril sa tabi ng kalsada ng barangay.

Nang pulutin ng suspek ay nagsilabasan ang mga operatiba, pero nanlaban ito at nakipagputukan dahilan para masawi.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with