^

Police Metro

Driver na nakadroga alisan agad ng lisensiya

Gemma Garcia - Pang-masa
Driver na nakadroga alisan agad ng lisensiya
Iginiit ng Senador na dapat mas mabigat ang parusa sa ganitong mga driver matapos na iulat ng Land Transportation Office sa pagdinig na 116 na public utility drivers ang positibo sa illegal na droga, mula sa 4,762 na isinailaim sa random drug test sa limang rehiyon mula noong Hulyo 2019 hanggang nitong Pebrero 2020.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa unang beses pa lamang na mahuling nakadroga ang isang driver ng pampasaherong sasakyan ay iminumungkahi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tanggalan agad ng lisensya ang mga ito.

Ito ang sinabi ni Dela Rosa sa pagdinig ng pinamumunuang Senate Committee on public order and dangerous drugs tungkol sa mga aksidente sa lansangan kung saan sangkot ang ilang mga driver na nakadroga.

Iginiit ng Senador na dapat  mas mabigat ang parusa sa ganitong mga driver matapos na iulat ng Land Transportation Office sa pagdinig na 116 na public utility drivers ang positibo sa illegal na droga, mula sa 4,762 na isinailaim sa random drug test sa limang rehiyon mula noong Hulyo 2019 hanggang nitong Pebrero 2020.

Lumalabas na 80 sa kanila ay mula sa Metro Manila, 13 sa Central Luzon, 15 sa CALABARZON, 2 sa MIMAROPA at 6 sa Bicol Region.

Kabilang naman sa mga nahuling nakadroga sa Metro Manila ay ang driver ng jeepney na umararo sa mga estudyanteng tumatawng kalsada sa Makati City kamakailan kung saan nasawi ang isang estudyante at 6 ang sugatan.

Kaya para maiwasan ang mga ganitong aksidente ay dapat ang madalas na random drug test sa terminals.

vuukle comment

DRIVER

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with