^

Police Metro

30 kawani hinostage ng sinibak na sekyu

Mer Layson - Pang-masa
30 kawani hinostage ng sinibak na sekyu
Pinasok ng mga miyembro ng Special Weapon and Tactics Team (SWAT) ang Virra Mall upang sawatahin ang isang sinibak na sekyu na hinostage ang 30 kawani ng administration office kahapon sa San Juan City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng hos­tage-taking ang isang security guard na sinibak sa trabaho dahil sa pag-AWOL na kung saan ay namaril ng kapwa security guard at binihag ang nasa  30 empleyado ng administration office ng isang shopping center sa Barangay Greenhills, San Juan City kahapon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang nakikipag-negosasyon ang mga otoridad at hinihikayat na pasukuin ang suspek na nakilala lamang na si Archie Paray, 31, na sinibak umanong guwardiya ng VMall Greenhills Shopping Center, at palayain ng ligtas ang kanyang mga hostage.

Ang nasugatang biktima ay si Ronald Velita, na officer-in-charge (OIC) na security guard ng naturang mall na unang binaril ng suspek.

Sa ulat ng San Juan City Police, dakong alas-11:22 ng umaga nang maganap ang hostage-taking sa 2nd floor, ng administration building, ng VMall Greenhills Shopping Center.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nag-AWOL ang suspek kaya’t sinibak ito sa tungkulin at nang pumasok ito sa trabaho ay hindi na ito pinayagang makapag-duty.

Dito na umano nag-amok ang suspek at binaril si Velita at hindi pa nasiyahan ay hinostage ang mga empleyado ng admin building ng mall na matatagpuan sa ikalawang palapag.

Ang suspek ay armado ng baril at granada at isa sa mga hinaing nito ay ang hindi pantay-pantay na pagtrato sa kanilang mga guwardiya at isa sa mga demand nito ay makausap ang kanyang mga kasamahang guwardiya.

Matapos ang 10-oras na negosasyon ay kusang  sumuko sa mga otoridad ang suspek at kanyang inilabas ang mga sama ng loob sa kompanya.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with