^

Police Metro

Amok sa Cavite: 5 patay

Cristina Timbang - Pang-masa
Amok sa Cavite: 5 patay
Nasawi noon din ang ginang na si Murharma Bautista, 59, habang magkakasunod na binawian ng buhay sa ospital sina Alberto Sorio, 57, retiradong miyembro ng Philippine Army (PA); Recto Marbit, 47, tricycle driver; at Pilar Bacaoco, 34, may-asawa, pawang residente ng Purok 6, Sitio Carapiohan, Santiago, Gen. Trias City dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.
File

Ex-army nagbaril sa sarili...

MANILA, Philippines — Patay ang limang katao kabilang ang dating sundalo na nag-amok dahil umano sa siya ay iniintriga sa kanilang lugar, naganap kahapon ng umaga sa Ge­neral Trias City, Cavite.

Nasawi noon din ang ginang na si Murharma Bautista, 59, habang magkakasunod na binawian ng buhay sa ospital sina Alberto Sorio, 57, retiradong miyembro ng Philippine Army (PA); Recto Marbit, 47, tricycle driver; at Pilar Bacaoco, 34, may-asawa, pawang residente ng Purok 6, Sitio Carapiohan, Santiago, Gen. Trias City dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Nasugatan naman ang dalawang rumespondeng pulis na sina PCMS Zaldy M. Espiritu, at PSMS Reynante D Tan, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay at tiyan. 

Namatay rin ang suspek na si Junny Palacio, may-asawa, dating miyembro ng Philippine Army at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, dakong alas-8:45 ng umaga kahapon ay nag-amok si Palacio, na armado ng kalibre 38 baril at hina­hanting nito ang 6 katao na umano ay naninira sa kanyang pagiging contractor.

Una niyang nakita sina Bautista at Sorio na nag-uusap at walang sabi-sabing binaril ang mga ito, sinunod ay nakita niya si Marbit sa pilahan ng mga tricycle at binaril din nito. Habang pinuntahan naman niya sa kanilang bahay si Bacaoco at  doon niya binaril.

Nagresponde ang mga pulis-Gen. Trias CPS sakay ng patrol car at pinaputukan sila ng suspek.

Tinangkang tumakas ng suspek at nang makorner ay nagbaril ito sa sentido.

vuukle comment

ARMY

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with