^

Police Metro

Mayor Belmonte niresolba ang basurang plastic

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mayor Belmonte niresolba ang basurang plastic
Inilunsad ng SBCDPO ang “Bring Your Own Bote (BYOB) Store” na isang zero-waste facility na kung saan ang mga lungsod ang magdadala ng kanilang sa­riling reusable bottles na maaaring makapag-refill ng condiments tulad ng suka, toyo at langis.
File

MANILA, Philippines — Matatapos na ang problema sa plastic na basura sa Quezon City makaraang buksan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) ang unang refilling station na tutulong na maresolba ang plastic pollution sa lungsod.

Inilunsad ng SBCDPO ang “Bring Your Own Bote (BYOB) Store” na isang zero-waste facility na kung saan ang mga lungsod ang magdadala ng kanilang sa­riling reusable bottles na maaaring makapag-refill ng condiments tulad ng suka, toyo at langis.

Ang BYOB store na gawa sa eco-bricks ay nai­lunsad sa pakikipag-tulungan ng NutriAsia Inc. at ng QC Environment Protection and Waste Management Department.

Una nang naaprubahan ni Mayor Joy Belmonte  ang Ordinance No. 2876 na nagbabawal sa paggamit at distribution ng single-use plastics at iba pang dispo­sable materials partikular sa mga restaurants at hotels upang hindi na ito makadagdag sa basura na sanhi ng mga pagbaha at pagsara ng mga estero at kanal.

vuukle comment

SMALL BUSINESS AND COOPERATIVES DEVELOPMENT PROMOTIONS OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with