^

Police Metro

Pangangailangan sa Benguet agad na matutugunan

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matutugunan na ang pangangailangan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Benguet dahil ito ay pagsisikap ng itinalagang caretaker ng Kamara na si ACT-CIS Rep. Eric Yap na kapag walang sesyon ang kongreso tuwing Biyernes ay inaakyat niya ito para bisitahin, alamin at hanapan ng solusyon ang mga problema ng mga tao roon .

Magugunita na si Cong.Yap ang naatasang maging caretaker ng lone district ng Benguet matapos pumanaw noong December 2019 ang representatante ng lalawigan sa kongreso na si Cong. Nestor Fongwan.

“Kailangan talagang bisitahin para makita natin, marinig mismo at mabig­yan ng katugunan ang pa­ngangailangan ng mga tao roon sa pamamagitan ng kanilang governor at ma­yors”, ayon kay Cong. Yap.

“At dahil sa palagi na­ting pagbisita rito sa Benguet, nalaman  ko ang problema nila sa kanilang nag-iisang ospital na kulang ng doktor, nurse at gamit dahil ito ay pinamamahalaan ng local go­vernment unit na wala rin namang budget,” ayon sa mambabatas.

Kaagad namang nagpasa ng isang resolusyon si Yap sa kongreso na ibalik sa Department of Health (DOH) ang pagpapatakbo ng naturang pagamutan para malagyan na ito ng mga gamot, gamit at additional doctors at nurses.

Kinausap din ni Yap ang hepe ng Department of Agriculture  doon para alamin kung ilang kilometrong farm to market roads ang kakailanganin ng distrito para maibaba ng mga tao ang kanilang mga produkto sa bayan at mahingan niya ito ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with