^

Police Metro

Pag-uwi ng mga Pinoy crew sa Japan cruise ship, naudlot

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pag-uwi ng mga Pinoy crew sa Japan cruise ship, naudlot
Nilinaw ng DOH na ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang repatriation ng mga Pinoy hanggang sa unang bahagi ng susunod na linggo dahil hindi pa nakukumpleto ang kanilang laboratory testing at ang Japanese quarantine protocols.
AFP/Behrouz Mehri

MANILA, Philippines — Naudlot ang nakatakdang pagpapauwi sa mga Pinoy crew ng MV Diamond Princess na nasa Japan ngayong Peb. 23.

Nilinaw ng DOH na ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang repatriation ng mga Pinoy hanggang sa unang bahagi ng susunod na linggo  dahil hindi pa nakukumpleto ang kanilang laboratory testing at ang Japanese quarantine protocols. 

 Mahigpit ding nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa Japanese Health and Foreign Ministry para makumpleto ang quarantine protocols upang kaagad na maiuwi ng pamahalaan ang mga Pinoy crew members sa Pilipinas.

 Sinimulan aniya ang testing noong Biyernes ngunit dahil sa rami ng mga repatriates ay hindi agad natapos ang pagsusuri.

Pangalawang dahilan aniya ay ang pagkakaroon ng long weekend off ng mga Japanese personnel sa Pebrero 22 at 23 kaya’t walang ground handlers sa airport na pupuntahan ng mga repatriates.

 Nabatid na nasa 538 ang mga Pinoy crew na sakay ng cruise ship ngunit nasa 497 pa lamang umano sa mga ito ang nagpaabot ng intensiyong umuwi ng Pilipinas.

 Sa kabilang dako, napaulat naman na nasa 52 na sa mga Pinoy sa cruise ship ang nagpositibo na sa COVID-19 at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Japan.

Tiniyak naman ng DOH na tanging ang mga Pinoy lamang na magnenegatibo sa virus ang ililikas at iuuwi ng Pilipinas, habang ang mga makikitaan ng sintomas ng sakit ay dadalhin sa medical facility sa Japan upang lunasan.

 May mga Pinoy crew na rin naman umano ang nagsabing mananatili sila roon at hindi na lamang magpapalikas.

vuukle comment

MV DIAMOND PRINCESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with