^

Police Metro

93-anyos lola, anak itinumba sa SUV

Mer Layson - Pang-masa
93-anyos lola, anak itinumba sa SUV
Kinilala ni P/Lt. Col. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang mga biktima na sina Emilia Rumor at anak na si Brenda Rumor, kapwa residente ng No.3 Cerilo St., Barangy Holy spirit, QC. Sugatan naman ang kaanak nila na si Nancy Rumor Johnson, nasa hustong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang 93-anyos na lola at ang anak nitong 62-anyos na babae habang sugatan ang kanilang kaanak matapos silang pagbabarilin ng isang hindi pa nakila­lang suspek habang sakay ang mga biktima sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang mga biktima na sina Emilia Rumor at anak na si Brenda Rumor, kapwa residente ng No.3 Cerilo St., Barangy Holy spirit, QC. Sugatan naman ang kaanak nila na si Nancy Rumor Johnson, nasa hustong gulang.

Nabatid mula kay  PSSgt. Zaldie Notarte ng Batasan Police Station (PS6), dakong alas-8:58 ng gabi nang pagbabarilin ng armadong suspek ang tatlong biktima sa loob ng sinasakyang pu­ting Mitsubishi Montero na may plakang TWO-964.

Ayon sa ilang testigo, sakay ang mga biktima ng kanilang SUV na minamaneho ni Brenda papasok na sana sa gate ng kanilang tahanan nang pagbabarilin sila ng hindi pa kilalang suspek na noon ay nag-aabang sa labas ng kanilang bahay.

Si Emilia ay namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo habang si Brenda ay binawian ng buhay sa FEU General Hospital at si Nancy ay nagtamo lamang ng daplis sa katawan at nasa maayos nang kalagayan.

Mabilis na tumakas ang gunman na nakasuot ng black jacket, bullcap at brown face mask.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala ng .45 kalibre ng baril.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with