^

Police Metro

BI chief hindi pa ligtas sa kaso

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makakasuhan pa rin si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime­ Morente kapag lumabas­ sa imbestigasyon na nag­karoon ng kapabayaan sa kanyang panig at may nagawang ilegal kaugnay sa nabunyag na “pastillas” scheme kung saan sangkot ang kanyang mga tauhan.

Ito ang nilinaw kaha­pon ni Presidential Spokes­peron Salvador­ Pa­nelo kaugnay sa isyu ng baya­ran ng mga pumapasok na Chinese na karamihan ay nagtatrabaho sa Philip­pine Offshore Gaming Operators (POGO).   

“Anybody is not safe. Everybody is at the pleasure of the President. If you do something illegal, if you do something incompetent, then the President fires you,” sabi ni Panelo.

Sa isang talumpati sa Davao City, sinabi ng Pangulo na tiwala siya na hindi sangkot sa “pastillas” scheme si Morente  o anumang uri ng money-making activities sa kanyang ahensiya.

Pero, sinabi ni Panelo na ang tiwala ay natatapos kapag naglabas na ng taliwas na pahayag ang Pangulo.

Nabunyag sa pagdi­nig sa Senado na nag­babayad ng nasa P10,000 ang mga dumarating na Chinese kapalit ang mabilis na pagpasok nila sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

JAIME­ MORENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with