7 pulis-NCRPO, nagpositibo sa droga
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas base sa resulta ng drug test na nagpositibo sa random drug test ang 7 pulis ng NCRPO, na ang isa rito ang nasa 356 narco cops na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pitong pulis ay nakasalang na sa adjudication process bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing.
Nabatid na halos 6,000 tauhan ng NCRPO ang sumalang sa random drug test kabilang dito ang nasa 22 pulis mula sa 31 tauhan ng NCRPO na napasama sa 356 narco cops sa drug watchlist ni Pangulong Duterte.
Ang pitong nagpositibo sa drug test ay kinabibilangan ng anin na Police Non Commissioned Officers at isang Police Commissioned Officer, isa ang kabilang sa narcolist na kinilalang si Police Staff Sergeant Ronald Carpio na dinis-armahan na at isinailalim sa pre-charge investigation para sa kasong administratibong kinakaharap ng mga ito sa paggamit ng illegal na droga.
- Latest