^

Police Metro

Van vs trak: 3 utas, 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa
Van vs trak: 3 utas, 6 sugatan
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Theresa Lasaca; Mark Cesar Borja; Rhiana Marie Ebcay; Danilo Balumaaga; Fredo Villamor; at Parami Ebcay.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao habang anim na iba pa ang nasugatan matapos na suwagin ng isang trak ang isang pampasaherong van sa kahabaan ng national highway sa Sitio Dupol, Brgy. Bagumbang, Bonifacio, Misamis  Oriental, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Gerlie Abing; Marlon Benitez, 26; at Daylinda Lapinig.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Theresa Lasaca; Mark Cesar Borja; Rhiana Marie Ebcay; Danilo Balumaaga; Fredo Villamor; at Parami Ebcay.

Sa ulat, bago nangyari ang sakuna, alas-11:55 ng umaga sa nasabing lugar ay kasalukuyang bumabagtas ang isang kulay puting pampasaherong Toyota Hi-Ace van, may temporary plate # 103210  na minamaneho ni Cris Brilllo, 33, nang mabangga ito ng kulay dalandan na Jinah heavy truck (NBT-2519) na minamaneho ni Erick Conja, 35.

Nabatid na ang van ay galing Pagadian City patungong Ozamis City na may lulang 18 pasahero habang ang cargo truck ay galing naman sa Ozamis City at patungo sa bayan ng Bonifacio ng lalawigan nang ang cargo truck umano ay nag-overtake sa motorsiklo at hindi na naiwasan ang kasalubong na van.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang driver na kapwa nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

GERLIE ABING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with