^

Police Metro

‘Sison nananaginip nang gising’ – AFP

Joy Cantos - Pang-masa
�Sison nananaginip nang gising� � AFP
Ipinunto ni Sison na maraming mga opisyal ng militar na nagpa-plano ng ouster plot. Ang mga assets mismo ng US Defense Intelligence Agency and Central Intelligence Agency na mas tapat sa mga Amerikano kaysa mga Pilipino.
OPAPP

Sa bantang kudeta vs Duterte

MANILA, Philippines — Nananaginip umano ng gising si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison sa pagsasabing hahantong sa kudeta ng militar upang ibagsak ang administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagbabasura nito sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

 Ito ang mariing re­aksyon kahapon ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff Brig. Gen. Edgard Arevalo nang matanong sa isyu.

“Nag-iilusyon siya. Itinutulad niya ang AFP sa kanyang teroristang hukbo-ang New People’s Army- na ang kanyang mga utos ay nilalabag at hindi sinusuportahan ang kanyang mga paninindigan,” sabi ni Arevalo. 

Naunang ipinahayag ni Sison na dismayado ang malaking puwersa ng militar matapos ipadala ni Duterte ang ‘notice of termination’ ng VFA sa Embahada ng Estados Unidos kung saan posibleng planuhin na ng malaking puwersa ng AFP officers at enlisted men ang coup de etat upang ibagsak ang administrasyon.

Ipinunto ni Sison na maraming mga opisyal ng militar na nagpa-plano ng ouster plot. Ang mga assets mismo ng US Defense Intelligence Agency and Central Intelligence Agency na mas tapat sa mga Amerikano kaysa mga Pilipino.

 Pero sinabi ni Arevalo na inaasahan na ang mga ganitong linya ni Sison at hindi na ito dapat pang pag-ukulan ng pansin.

“Sa susunod dapat hindi na natin pinapatulan ang ganyang mga statement mula kay Sison. You are just giving him and his statements undeserved credence,” dagdag ni Arevalo.

vuukle comment

VISITING FORCES AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with