^

Police Metro

Barangay execs. binigyan ng 75-araw ng DILG

Mer Layson - Pang-masa

Para alisin ang sagabal sa kalsada...

MANILA, Philippines — Para alisin ang lahat ng sagabal sa kalye sa kani-kanilang nasasakupan ay binigyan ng DILG ng 75-araw ang mga barangay executives.

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año, ang sino mang mabibigo na sumunod sa kanyang memorandum circular 2020-027 ay papatawan ng kasong administratibo.

Kabilang sa pinapaalis sa lahat ng obstruction ay ang tertiary roads, secondary at primary road.

Nabatid na iisyuhan nila ng show cause order ang sino mang local chief exe­cutives na mabibigong sumunod sa kanyang memo.

Maalala na noong July 2019 sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag na kailangan bawiin ang mga kalsada na ginagamit ng mga vendor at paradahan ng sasak­yan  upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Unang nagbigay ng 60-araw ang DILG sa mga alkalde na tumupad naman at ngayon ay 75-araw ang ibinigay na taning sa mga barangay official.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with