^

Police Metro

Dahil nag-beating the red light… kidnapping bulilyaso, 2 Liberian arestado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa batas trapiko, dalawang Liberian nationals ang nasakote habang nasagip naman ang kanilang kinidnap umano na isang negosyanteng Ghanaian sa kahabaan ng national highway sa Muntinlupa City sa Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasagip na biktima na si Wisdom Obi Tanko, 54 taong gulang, residente ng Springville Garden II, Molino, Bacoor City, Cavite at may ilang taon ng naninirahan sa Pilipinas.

Arestado naman ang mga suspek na Liberian na sina Cheady Mayor Ford, 32-anyos, nanunuluyan sa Boni Ave., Mandaluyong City at Abrahim Jallor, 26, nanunuluyan sa isang apartelle sa Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang sitahin ng traffic enforcer ang behikulo na sinasakyan ng mga suspek at biktima dahil sa “beating the red light” violation sa kahabaan ng highway sa naturang lugar.

Nang sumilip ang traffic enforcer sa behikulo ay nakita nito ang biktima na nakagapos ang mga kamay sa hulihang bahagi ng sasakyan kaya mabilis na humingi ng tulong sa mga elemento ng Special Weapons and Tactics Team (SWAT) personnels ‘di kalayuan sa lugar at nasakote ang mga suspek.

Habang pinoposasan ay tinangka ng isa sa mga suspek na mang-agaw ng baril kaya nabaril ito ng isa sa mga operatiba at nasugatan sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Ang nasugatang suspek ay dinala sa Perpetual Help Hospital sa Biñan City na ngayon ay bantay sarado sa mga otoridad.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with