^

Police Metro

Kelot tumalon sa LRT, tigok

Mer Layson - Pang-masa
Kelot tumalon sa LRT, tigok
Dead-on-arrival sa sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Ronelo Pampilon, 47, runner sa money changer company, at residente ng Lot 16, Blk 7, S35, Belleview Meadows Subdivision, Bagtas, Tanza, Cavite dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.
The STAR/Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 47-anyos na lalaki matapos tumalon mula sa istasyon ng LRT-1 at luma­gapak pa sa ibabaw ng isang pampasaherong jeepney bago bumagsak sa kalsada, naganap sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Dead-on-arrival sa sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Ronelo Pampilon, 47, runner sa money changer company, at residente ng Lot 16, Blk 7, S35, Belleview Meadows Subdivision, Bagtas, Tanza, Cavite dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng La Loma Police Station sa Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa East Side Platform ng LRT Balintawak Southbound Station, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na umakyat ang biktima sa East Side Platform ng LRT-1 Balintawak Station, at saka bigla na lang tumalon sa ’di pa batid na kadahilanan.

Sinasabing bago ang suicide ay may kausap pa umanong babae ang biktima na tila nag-aaway.

Ayon sa ilang tindera sa lugar na nakasaksi sa pangyayari, bumagsak pa umano ang biktima sa ibabaw ng isang passenger jeepney na nagsasakay ng mga pasahero sa lugar, bago tuluyang bumagsak sa kalsada.

Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ito sa pagamutan ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

vuukle comment

LRT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with