Tauhan ng coast guard sinibak sa pagkuha ng prosti gamit ang government vehicle
MANILA, Philippines — Isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sinibak sa serbisyo nang mapatunayang gumamit ng service vehicle ng gobyerno sa pagkuha ng mga babaeng prostitute sa isang bar sa Quezon City noong Disyembre 2019.
Sinabi ni PCG Spokesman Capt Armand Balilo na walang pwesto sa kanilang tanggapan ang mga tulad ni Seaman Second (SN2) Abulhair S. Turabin, nakatalaga sa Real Estate Management Office-Logistic Command na nagkasala ng grave misconduct.
Una nang sumailalim sa preventive suspension si Turabin nang imbestigahan kaugnay sa reklamo ng pagsasakay ng dalawang babae mula sa Heart Beat Bar at dinala sa isang bahay sa Quezon City gamit ang marked vehicle ng PCG na nakunan ng video.
- Latest