^

Police Metro

11 katao na galing simbahan sinuwag ng SUV

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-isang katao ang nasugatan matapos na sila ay suwagin ng isang sports utility vehicle habang nasa harap ng simbahan ng Baclaran, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang mga biktima na dinala sa San Juan De Dios Hospital ay kinilalang sina Leo Sabelano; Marilyn Lucero; Elizabeth Lidangco; Francis Blando; Rosemarie Hapson; Bryan Qualis; Divine Grace Lumang; Analyn Rupersado; Sepronio Gandill; Cherry Bee Blando; at Paldo Frances Padu.

Inaresto naman ang driver ng Toyota Fortuner (RPM-55) na si Allan Respecia, nasa hustong gulang at naka­tira sa no. 1089 DF Yuseco St. Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi sa harapan ng Gate 2 ng Baclaran Church sa Redemptorist Road, Ba­rangay Baclaran ay kalalabas lamang ng ilang biktima matapos na dumalo sa misa habang ang ilan ay nagtitinda naman sa gilid ng simbahan nang bigla silang suwagin ng na­banggit na SUV na minamaneho ni Respecia.

Nabangga rin ng SUV ang mga nakaparadang sasak­yan kabilang ang apat na motorsiklo, isang electric bike at tatlong kariton ng mga vendors na nagtitinda sa lugar kahit na mahigpit na ipinagbabawal.

Iginiit ni Respecia na nawalan umano siya ng kontrol sa preno ng sasakyan kaya nabundol ang mga biktima. 

vuukle comment

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with