^

Police Metro

Lalaki na nasa drug list, itinumba

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 47-anyos na lalaki na umano ay nasa nasa drug watchlist ng barangay maka­raang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Virgilio Soriente, may asawa, ng No. 140 Neptali Gonzales St. Hagdan Bato Itaas sa lungsod.

Sa imbestigasyon, alas-6:30 ng gabi ay naglalakad umano ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa  direksyon ng Shaw Boulevard.

Pitong basyo ng bala at holster ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

VIRGILIO SORIENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with