^

Police Metro

P68-M shabu nasabat sa 2 dayuhan sa Quezon City

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sa isang drug buy-bust operation ang isang Nigerian at African national kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Lawrence Ikegwuruka, 37, Nigerian national at Michella Augustin Tsimaluto, 23, African national.

Sa ulat, bago naaresto ang dalawa pasado alas-10:00 ng umaga sa  Roces Avenue sa Barangay Paligsahan ng lungsod ay nakatanggap ng impormasyon ang PDEA kaugnay sa malakihang pagbebenta ng iligal na droga ng mga dayuhan kaya nagkasa ng buy bust laban sa mga ito.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang ahente ng PDEA at nakipag-negosasyon sa mga suspek hanggang sa magkasundo na magkikita sa nasabing lugar.

Nang nagkakaabutan na ng shabu at pera ang magkabilang panig ay saka sumulpot ang mga nakakubling  PDEA agents at dinakma ang dalawang dayuhan at nasamsam ang tinata­yang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with