Taiwan kasama na sa temporary travel ban dahil sa nCoV
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kabilang ang Taiwan sa ipinatupad na temporary travel ban kasunod ng banta sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Ito ay makaraang magkaroon ng kalituhan sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of
Emerging Infectious Diseases kung kabilang sa travel ban ang Taiwan na kung saan ay 18 na ang kaso ng nCoV.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na kabilang ang Taiwan dahil base sa sinusunod na polisiya ng World Health Organization (WHO), bahagi ng China ang Taiwan.
Aniya, nitong nagdaang weekend, full implementation na ang travel ban sa Taiwan.
- Latest