^

Police Metro

Preventive measures sa mga taga Tarlac, tiniyak

Mer Layson - Pang-masa
Preventive measures sa mga taga Tarlac, tiniyak
Nagsagawa ng rally ang mga residente ng isang barangay sa Capas, Tarlac para tutulan na gawing quarantine station ang Athlete’s Village na malapit sa kanila.

Pag-quarantine sa 30 Pinoy mula Wuhan sa Athlete’s Village...

MANILA, Philippines — Kasado na ang mga preventive measures sa Athletes’ Village sa New Clark City, Capas, Tarlac, kung saan dinala ang 30 Pinoy na iniuwi ng bansa mula sa Wuhan, China upang i-quarantine ng 14-araw at matiyak na wala silang taglay na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ito ang tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos ang pagtutol ng lokal na pamahalaan ng Capas sa pagpapagamit ng New Clark City sa mga naturang repatriates, sa pangambang kumalat ang naturang virus sa kanilang lugar.

Pinawi rin ni Año ang pangamba ng mga residente ng Capas dahil ginagawa naman aniya ng medical team ang lahat ng protective measures upang matiyak na hindi kakalat ang virus.

Masusi rin isinailalim sa screening ang mga Pinoy bago sila tulu­yang pinauwi ng Pilipinas upang matiyak na wala silang sakit.

Linggo ng umaga ng dumating ang mga Pinoy sa Clark Airport at kaagad na idiniretso sa Athlete’s Village upang i-quarantine laban sa nCoV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with