^

Police Metro

30 Pinoy galing Wuhan dumating na

Rudy Andal, Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pang-masa
30 Pinoy galing Wuhan dumating na
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na lulan ang 29 Filipino at isang sanggol ng chartered flight na lumapag sa Haribon Hangar sa Clark Air Base, pasado alas-8:20 kahapon ng umaga.
Release/Department of Foreign Affairs

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng Pilipinas ang 30 Filipino mula sa Wuhan City, China.

Ang Wuhan City ang ground zero ng 2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na lulan ang 29 Filipino at isang sanggol ng chartered flight na lumapag sa Haribon Hangar sa Clark Air Base, pasado alas-8:20 kahapon ng umaga.

Bago bumaba ng eroplano, muling isinailalim sa thermal scanning ang balik-bansang mga Pinoy.

Kasama ng mga napauwing Filipino ang team na kinabibila­ngan ng dalawang opis­yal mula sa Philippine Consulate General sa Shanghai, tatlo mula sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), at limang medical team members mula sa Department of Health (DOH)

Pagdating ng Pilipinas, ligtas na inilipat ang mga Filipino mula sa eroplano patungo sa mga bus para madala sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac kung saan dito isasagawa ang 14 araw na mandatory quarantine sa mga ito.

Matatandaang lumipad ang team patungong Wuhan City, Sabado ng gabi, para masundo ang mga Filipino pauwi ng Pilipinas.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with